Kabanata 11
Kabanata 11
Bumalik si Madeline sa walang taong villa nila at inisip niya na ang tungkol sa divorce papers na
sinasabi ni Jeremy. Nananakit ang kanyang puso na tila ba hinihiwa ito ng isang kutsilyo.
Hindi niya akalaing gano’n lebel pala ang galit ni Jeremy sa kanya. Masyado itong walang puso para
sabihin sa kanyang ipalaglag ang bata.
Natatakot si Madeline. Kung gusto talaga itong gawin ni Jeremy, ano ba ang dapat niyang gawin?
Sa pagkakataong ito, may maririnig na mga ingay sa pinto. Nakabalik na si Jeremy. Nakatayo ito nang
tuwid at mukhang elegante.
Nagulantang si Madeline, subalit mas kinakabahan siya.
Natatakot siyang gustong ipalaglag ni Jeremy ang bata. Subalit, sa kanyang sorpresa, walang sinabi si
Jeremy tungkol sa divorce o abortion. Sa kabilang banda, sinabihan lamang siya nito na samahan siya
sa Whitman Manor bilang kanyang asawa sa araw ng ika-50 na kaarawan ng nanay niya.
Ikinagulat ito ni Madeline. Ibig sabihin b anito ay sinusubukan niyang tanggapin si Madeline?
Subalit, agad na nawasak ang kanyang pag-asa. Malamig ang mga mata at salita ng lalaki. “Madeline,
huwag mong isipin na magbabago ang iniisip ko sa iyo. Kailanman, hindi ako mahuhulog sa isang
kagaya mong walang hiya.”
Ang mga masasakit niyang salita ay nagpatuloy na tumusok sa puso ni Madeline.
Naramdaman ni Madeline na nakakatawa ito. Tiningnan niya si Jeremy habang may mapanlokong
ngiti. “Wala naman akong kwenta, kaya sinisira ko ang sarili ko para sa isang lalaking hindi ako kayang
mahalin. Pero sa tingin mo ba maikukumpara mo ako sa pagkawalang hiya ng babaeng mahal mo?”
Nanigas ang lalaki habang tinatanggal ang suot niyang jacket. Lumingon siya at napuno ng lamig ang
kanyang gwapong mukha. “Madeline, gusto mo bang mabugbog?”
“Sinasabi ko sa iyo ang katotohanan, Jeremy, alam mo ba kung bakit may nangyari sa ating dalawa
tatlong buwan na ang nakararaan?”
Pumunta sa kanya si Madeline, at puno ng kampante niyang sinabi, “Si Meredith. Siya ang nagplano
ng lahat ng ito.”
“Pinlano niyang ang gabing iyon, pero dahil sa ilang mga pagkakamali, iba ang nakasama niya.
Ngayong buntis siya, maaaring hindi mo pa anak ang dala-dala niya!”
Matapos niyang sabihin iyon, agad na nandilim ang buong mukha ni Jeremy. Content © NôvelDrama.Org.
Inabot niya ang kanyang kamay at pinuwersang hilain si Madeline. Sumunod, ang malamig niyang
kamay ay sinunggaban ang payat nitong leeg, sinasakal niya ang babae nang buong puwersa.
Nahirapang makahinga si Madeline.
“Tingin mo ba maniniwala ako sa iyo? Sa isang walang kwentang kagaya mo kumpara kay Meredith?”
Matapos sabihin iyon, tinulak niya si Madeline palayo.
Nang makahinga na siya, hindi niya mahanap ang kanyang balanse kaya natumba siya. Sumunod
doon, tumama ang kanyang tiyan sa dulo ng kama.
Isang matinding sakit ang gumuhit sa kanya, at nagsimula na siyang magpawis nang malamig.
Hinawakan niya ang kanyang tiyan at humingi ng tulong kay Jeremy na nakatalikod sa kanya. “Jeremy,
nasasaktan ako…”
Tumigil si Jeremy at sumulyap kay Madeline. “Gumagaling ka na sa pagpapanggap mo. Wala akong
pakialam kahit may mangyari sa iyo, lalo naman kung maayos ang kalagayan mo.”
Wala nang mas sasakit pa sa mga salitang ito kay Madeline.
Nahimatay agad siya, at nang magising siya, kinabukasan na.
Naalala niya ang nangyari kagabi bago siya mahimatay, at nanliit ang kanyang mga mata. Hinawakan
niya nang may taranta ang kanyang tiyan.
Pumasok naman ang doctor sa parehong pagkakataon. Nang makita niya ang mukha ni Madeline,
tinignan niya ito ng may paghamak. ”Ligtas ang bata sa ngayon.”
Nanginig si Madeline. Puno ng takot ang kanyang mga mata. “Doc, anong ibig mong sabihing sa
ngayon lang?”
“May tumor ka sa uterus mo, at malignant ito. Kaya kailangan mong ipalaglag ang bata, kung hindi,
malalagay sa peligro ang buhay mo.”