Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Kabanata 28



Kabanata 28

Nagbebenta ng katawan?

Hindi sinabi ni Madeline na binebenta niya ang katawan niya kaya siya nandoon, pero iyon agad ang

inisip ni Meredith.

Mayroong kasamaan na makikita sa mga mata ni Jeremy. Lalo itong naging nakakatakot. Nagmistula

siyang si Satanas na nagmula sa impyerno. Gusto niyang pira-pirasohin si Madeline.

Binenta niya talaga ang sarili niya.

Sasama siya sa kahit sinong lalaki para lang sa pera!

Nagawa pa niyang ipagmalaki na siya lang ang nakagalaw sa kanya noon.

Nakakadiri.

"Maddie, makinig ka sakin. Umuwi ka na, baka magalit si Jeremy. Hindi ko siya mapipigilan kapag

nangyari yun."

Nandiri si Madeline sa mahinhin at mahinahong boses no Meredith.

Natutuwa siyang tumingin siya kay Meredith. "Umuwi? May uuwian pa ba ako? Hindi ba't inagaw na ng

walang hiyang kabit na gaya mo yung uuwian ko?"

Kakaiba ang itsura ni Meredith. Kumibot ang gilid ng kanyang mga labi at malungkot siyang tumingin

kay Jeremy. "Huwag kang magalit kay Maddie, Jeremy. Kasalanan ko ang lahat. Kasalanan ko na

patay na patay ako sayo. Kasalanan ko ang lahat."

Talagang nakakabwisit at napakahipokrito ng ginagawa niyang pag-arte, pero lumapit pa rin sa kanya

si Jeremy at hinawakan si Meredith na tila hindi napapansin ang kabulukan niya.

"Huwag kang ganyan, paano mo naman naging kasalanan yun? Ikaw lang ang mahal ko mula pa

noon. Yung may kasalanan dito ay yung babaeng nanamantala at pumikot sakin."

'Ikaw lang ang mahal ko mula pa noon.'

Noong sinabi iyon ni Jeremy, pakiramdam ni Madeline ay dinudurog ng pinong-pino ang kanyang puso.

Hehe.

Kailan pa naging si Meredith yung babaeng pinakamamahal niya?

Bakit naaalala niya yung batang lalaki na nagsabi sa kanya na, 'Linnie, yung makilala kita ang

pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Gustong gusto kiya.'?

Nalungkot nang husto si Madeline. Bukod sa nasaktan ang damdamin niya, sumasakit din ang tumor

niya sa hindi malamang dahilan.

Ayaw na niyang makita pa ito. Subalit, habang paalis siya, may nakabangga siya.

Hindi niya mahawakan ng maayos ang bote dahil sa sakit na nararamdaman niya. Dahil dito, nalaglag

sa sahig ang bote ng red wine na nagkakahalaga ng ilang milyong dolyar at nabasag.

Namutla ang mukha ni Maddie. Sa hindi inaasahan, may humablot sa kamay niya at hinila siya

palabas.

"Ang tagal nating hindi nagkita Maddie."

Umalingawngaw sa tenga niya ang sinabi ng lalaki, at napaatras si Madeline.

Inangat niya ang kanyang ulo at nakita niya ang isang nakakasuklam na pagmumukha.

Siya ang dating manliligaw ni Madeline, si Tanner Long. Sinubukan niyang gawan ng hindi maganda si

Madeline noon at pwinersa niya pa itong makipagtalik sa kanya. Nandoon si Meredith noong mangyari

iyon. Nakangiti niyang pinanood ang lahay ng pangyayari.

Ngayon, gulat na gulat si Meredith. "Kilala kita. Ikaw yung ex-boyfriend ni Maddie. Naaalala ko na

madalas kang makitulog dun sa dating tinitirahan ni Maddie."

Pagkatapos niyang sabihin yun, lumamig ng husto ang paligid.

Kalokohan iyon para kay Madeline. Kailan pa niya naging ex-boyfriend si Tanner?

"Ang tagal nating hindi nagkita Maddie. Ngayong nagkita tayo uli, buhayin natin ulit yung relasyon

natin." Nakikipagtulungan si Tanner kay Meredith. Napakasama ng kanyang mga ngisi. Hinila niya si

Madeline palapit sa kanya. Hindi makapalag si Madeline sa kanya. Sobrang sakit ng katawan niya

kaya hindi siya makawala sa pagkakahawak sa kanya ni Tanner.

"Bitawan mo ako!" Nagpumiglas siya ng husto.

"Anong problema, Maddie? Hindi ka naman ganito dati. Kulang ba ang binigay ko sayo? Dalawang

daan? Paano kung dalawang daan ang ibigay ko sayo ngayon? Binibigyan kita lagi ng isang daan

dati."

"Manahimik ka! Manahimik ka Tanner! Hindi ko alam…"

"Paanong hindi mo ako makikilala? Malapit tayo sa isa't isa. Naaalala ko pa nga na may nunal ka sa

kaliwang dibdib mo!"This belongs © NôvelDra/ma.Org.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.