Kabanata 63
Kabanata 63
Madaling naubos ang isang minuto.
Natauhan si Madeline dahil sa pag-iyak ni Meredith. Tiningnan siya ng masama ni Jeremy at pumindot
ng tatlong numero sa kanyang phone. Tatawag siya ng pulis!
"Hindi!"
Naubos ang pagtitimpi ni Madeline.
Namumutla ang mukha ni Madeline habang palapit siya kay Jeremy. "Jeremy, hindi ko talaga tinago
ang anak mo! Hindi ko gagawin ang ganung klaseng bagay kahit na galit na galit ako kay Meredith!"
"Naranasan ko ang sakit ng pagkawala ng sarili kong anak, kaya alam ko na mas masakit pa yon sa
kamatayan. Hinding-hindi ko—”
"Kaya magiging masaya ka lang kapag naranasan din ni Mer yung sakit na yun, tama ba?" biglang
nagsalita si Jeremy. Parang mga kutsilyo na bumaon sa puso ni Madeline ang mga titig ni Jeremy.
"Madeline, hindi nagbabago ang mga batik sa katawan ng isang leopard. Kahit na mamatay ka pa ng
1,000 beses hindi pa rin mababawasan ang galit ko sayo!"
Hiss.
Parang mga balang tumagos sa puso ni Madeline ang mga sinabi ni Jeremy.
"Huwag mong isipin na makakalabas ka pa sa kulungan." ang sabi ni Jeremy, kasabay ng pagpindot
niya sa dial button ng phone. Sa huli, tinawagan pa rin niya ang mga pulis.
Patapos na ang panahon ng tag-init at malapit nang magsimula ang panahon ng taglagas. Sa hindi
inaasahan, biglang kumulog at kumidlat ng malakas.
Nanginig si Madeline at agad na namutla ang kanyang mukha.
Muli niyang naalala ang mga gabing binugbog siya at pinilit na paanakin.
Pakiramdam niya ay nadurog ang kanyang puso at lumuhod siya sa harap ni Jeremy habang
nagmamakaawa. "Jeremy, please maniwala ka sakin! Hindi ko siya tinago!"
Takot na takot si Madeline.
Sa kabila ng pagiging malakas niya, babae pa rin siya.
Lumuhod si Madeline sa harap ni Jeremy at kumapit ng mahigpit sa kanyang pantalon. Naluha siya. NôvelDrama.Org © content.
"Jeremy, please maniwala ka sakin!" Sigaw ni Madeline. Naghihinagpis siya.
Hindi niya nakalimutan kung paano siya sinipa ni Jeremey matapos siyang magmakaawa sa kanya.
Subalit, sa pagkakataong ito, nagdadalawang-isip si Jeremy.
Noong inakala ni Madeline na hahayaan na lang siya ni Jeremy, saka naman umalingawngaw ang pag-
iyak ni Meredith. "Jeremy, hindi na ba natin makikita si Jack?"
Walang alinlangang muling ipinakulong ni Jeremy si Madeline pagkatapos iyong sabihin ni Meredith.
Sa loob ng interrogation room, paulit-ulit na sinabi ni Madeline na hindi niya itinago si Jack. Subalit,
walang naniwala sa kanya.
Ang pangyayaring ito ay tulad ng nangyari noon.
Tuluyang nawalan ng pag-asa si Madeline.
Alaga siyang paglaruan ng kapalaran. Inalala niya ang mga ginawa niya at napagtanto niya na maling
lalaki ang minahal niya. Subalit, malaki ang naging kabayaran nito.
Noong nasa bingit siya ng kawalan ng pag-asa at pagsuko, pinalaya siya ng pulisya.
Noong makalabas siya ng istasyon, nakita niyang naghihintay sa kanya ang sasakyan ni Jeremy.
Madilim na at napakagulo ng lahat. Walang pakialam si Madeline.Tumakbo siya palapit sa sasakyan.
Noong magsasalita sana siya, binuksan ni Jeremy ang bintana at ibinato sa pagmumukha niya ang
kanyang phone. Pagkatapos, hinablot niya sa leeg si Madeline at hinila palapit sa kanya.
"Nakipagtulungan ka ba sa lalaking 'to para dukutin ang anak ko? Madeline, bakit nakikipagtalo ka pa
rin kahit na huling-huli ka na?"