Kabanata 76
Kabanata 76
Napagtanto ni Madeline na nagalit ng husto si Jeremy sa huling sinabi ni Ava.
Bigla niyang pinatay ang sigarilyo niya at nagmistulang si Satanas na mula sa impyerno. Pagkatapos
ay hinila niya si Madeline palapit sa kanya.
Bumagsak sa lupa si Ava nang mabitawan siya ni Madeline.
“Ava!”
Napasigaw si Madeline at sinubukan niyang tulungan si Ava. Subalit, pilit siyang itinulak ni Jeremy
papasok ng kanyang kotse.
Galit na galit si Jeremy. "Madeline, seryoso ka ba? Nagsinungaling ka sa kaibigan mo na binigo kita at
ikaw ang biktima? Pambihira ka talaga."
Galit na galit na tiningnan ni Jeremy si Madeline. Para bang sinusubukan niyang butasin si Madeline
gamit ng mga mata niya.
"Yung pangako nating dalawa? Ano bang pinangako ko sayo? Pwede ba tumigil ka na?"
Muli niyang binura ang mga pangako niya noon kay Madeline.
Hindi na umasa si Madeline na maaalala pa ni Jeremy ang mga pangako na 'yon.
Matagal nang nabaon sa limot ang mga alaalang iyon. Maglalaho na lamang ang mga iyon ng parang
bula.
Hindi na niya inisip pa iyon. Sa sandaling iyo, nag-aalala siya para kay Ava.
"Jeremy, pababain mo ako. Iuuwi ko sa bahay niya si Ava. Gabing-gabi na at napakalamig ngayon.
Paano kung may mangyaring masama sa kanya?"
"Dapat maging responsable siya sa mga sinabi niya."
Makahulugan ang mga sinabi ni Jeremy, at makikita ang galit niya sa kanyang malamig na mukha.
Naisip ni Madeline na baka may gawing masama si Jeremy kay Ava. Noong papaandarin na niya ang
sasakyan, biglang hinablot ni Madeline ang mga braso niya. Namumula ang mga mata ni Madeline.
"Jeremy, ipinagtatanggol lang ako ni Ava. Kasalanan ko ang lahat, at kung masama ang loob mo ako
ang harapin mo!"
"Tatanggapin ko ang lahat ng gagawin mo sakin basta huwag ka lang magalit kay Ava. Kung gusto mo,
ipakulong mo ako ulit o kaya ipabugbog mo ako. Kung hindi sapat yung pambubugbog sakin, pwede NôvelDrama.Org owns © this.
mo akong saktan ulit. Please huwag mong saktan si Ava! Jeremy, Mr. Whitman, oh great Mr. Whitman!
Nagmamakaawa ako sayo! Please!"
Kung magagawa lang ni Madeline, baka lumuhod pa siya.
Tiningnan ni Jeremy si Madeline habang nagmamakaawa siya. Bigla na lamang natulala si Jeremy.
Sa pagkakatanda niya, malakas si Madeline at matigas ang ulo. Hindi niya alam kung kailan siya
nagsimulang nagmakaawa ng ganito sa kanya. Nagmakaawa siya na paniwalaan niya siya at hayaan
siyang tulungan si Ava.
Medyo nainis si Jeremy at binuksan ang pinto ng kotse. "Tatlong minuto."
Pinayagan siya ni Jeremy, napaluha si Madeline dahil dito. "Salamat, Mr. Whitman. Maraming salamat,
Mr. Whitman!"
Nagpasalamat siya ng husto kay Jeremy at nagmadaling bumaba ng kotse. Pinilit niyang itayo si Ava
na nakahandusay sa lupa. Pagkatapos, ibinalik niya si Ava sa apartment.
Noong makaalis di Madeline, nagpatuloy sa pagsasalita si Ava. "Maddie, huwag ka nang magpapaloko
sa lalaking yun. Hindi siya karapat-dapat sa pagmamahal mo…"
Inuwi ni Jeremy si Madeline sa bahay nila.
Hindi alam ni Madeline kung anong balak ni Jeremy. Pinipilit niyang sakyan ang mga ginagawa ni
Jeremy dahil natatakot siyang magalit uli si Jeremy.
Habang naliligo si Jeremy, nilabhan ni Madeline ang damit ni Felipe.
Ngayong alam na niyang tiyuhin ni Jeremy si Felipe, pakiramdam ni Madeline na kakaibang tulungan
niya si Felipe na labhan ang damit niya.
Subalit, wala siyang pera para palabhan ang mamahaling damit na ito sa dry cleaner. Kaya naman siya
na lang ang naglaba nito.
Noong patapos nang maglaba si Madeline, bigla niyang narinig ang boses ni Jeremy mula sa likod
niya. "Anong ginagawa mo?"