Chapter 46: Kabanata 45
Chapter 46: Kabanata 45
Kabanata 45:
Giving Up
__________
Clarity
Nakatunganga lang ako sa kwarto ko. Hindi ko binalak na lumabas ng aking kwarto ng mangyari ang
senaryong iyon sa pagitan naming dalawa ni Kier. Nakakalungkot isipin...
Doon na pala kami magtatapos.
Nang dahil sa akin nawala siya.
Magdadalawang linggo na akong hindi kumakain at hindi pumapansin sa mga taong nakapaligid sa
akin.
Kahapon ay may nilusot na papel si Celine sa ibaba ng pintuan ko. Tinignan ko iyon at ang nakalagay
sa papel ay natapos na... natapos na ang sumpang ako mismo ang gumawa.
Pero wala na sa akin si Kier.
Makukuntento na ba ako sa pagtingin sa kaniya sa malayo? Walang komunikasyon? Hindi ko matiis
namakita siyang lalagpasan lamang ako sa daan.
Kahit hindi ako lumalabas ng kwarto ay alam ko pa rin ang nangyayari sa buong Blisk Dynasty. Naging
magulo ito at usap-usapan ang nangyaring pag-uusap naming dalawa ni Kier.
Hindi naman siguro sila chismoso't chismosa no?
Para sa mga Prekh, ang Alpha ang mas mahalaga kesa sa Luna. I don't know why. Siguro dahil mas
nakasalamuha nila si Kier dito sa Blisk Dynasty.
Ayos na e. Nasa amin na ulit ang Vleryt Dynasty at maayos iyong napapamahalaan ni Ama at Ina kahit
wala na ang Kuya ko. Perpekto na sana ang buhay ko pero may naging problema na naman...
Hindi ko alam kung bakit hindi ako nauubusan ng problema.
I heard a continuous knock at my door. Ginamit ko ang kapangyarihan ko upang malaman kung sino
iyon. NôvelDrama.Org owns all content.
Si Leewier.
"Come in."
Bumukas ang pintuan ko. Masamang nakatitig sa akin si Leewier habang naglalakad palapit sa
kinaroroonan ko. Ngumiti ako ng makalapit siya sa akin pero napawi iyon ng malakas niya akong
sinampal.
Napabaling ang mukha ko sa ibang direksiyon.
"How could you?! Nagawa mo na iyon pero ang lakas pa rin ng loob mong ulitin!"
Tumulo ang luha ko. H-hindi...
H-hindi ko naman sinasadya.
"L-Leewier... patawad."
She smirked with what I said, "Really? Talaga ba? Should I laugh?"
Akmang hahawakan ko ang kamay niya pero mabilis niya iyong nailayo sa akin at binigyan pa ako ng
isang sampal, "Leew! Stop!"
Napaupo ako sa sahig dahil hindi ko na kinakaya lahat ng pinagdadaanan ko. Masyado na akong
nasasaktan... Hindi ko maatim na tumitig sa kanila.
"Kuya Kley naman! Papatawarin na naman natin siya?"
"No... I mean oo. Umuwi na tayo. Naghahanda na ang Alpha."
Lumaki ang mata ko dahil sa narinig ko. Alpha? Si Kier. Nasaan siya?
"Fine! We're not yet done, Luna."
Narinig ko ang yabag ni Leewier paalis ng kwarto ko. May pares ng paa akong nakita sa harapan ko,
"Get up, Luna."
Itinayo ako ni Kley at pinunasan ang luha ko, "Hindi ko dapat ito ginagawa pero ng malaman ko ang
nangyari ng dahil kay Celine ay nabago ang isip ko."
Tinignan ko siya. Tinutulungan niya ako dahil kailangan hindi dahil sa gusto niya. From the start, I know
that he doesn't like me. Alam na alam ko iyon. Bakit niya ako tutulungan kung si Celine lamang ang
dahilan?
"Why are you doing this?"
"Ayaw mo bang magkaayos kayo?"
"G-gusto..."
"That's it. Naghahanda ang Alpha para ipasa ang kapangyarihan niya kila Hades at Crius. Lahat sila ay
nagtitipon don at tayong dalawa na lamang ang kulang. Pag naipasa niya na ang kapangyarihan ay
mababago ang takbo ng lahat. Wala ng pag-asa na magkabalikan kayo."
Nagulat ako dahil sa sinabi niya. H-hindi magkakabalikan?
"What do you mean, Kley?"
"Pumunta ka nalang sa Gresfet Garden. Baka mahuli ka pa."
"Thanks Kley!"
Mabilis akong tumakbo papunta sa Gresfet Garden at narinig ko pa ang sigaw ni Kley, "Fuck! Si
Aimee!"
Binalewala ko na lamang iyon dahil gusto kong maabutan si Kier. Gusto ko siyang makita.
Nakarating ako doon at nakita ko silang lahat na tahimik na pinapanood ang ginagawa ni Leewier.
Akmang puputulin ni Leewier ang pulang tali ng sumigaw ako, "Please! Leewier, 'wag!"
Napalingon silang lahat sa akin. Masamang nakatitig sa akin si Leewier at halata naman sa mga mata
ni Kier na nagulat siya sa pagdating ko, "C-Clarity.."
Isang hakbang palang ang nagagawa ko ng may tumamang dagyix sa dibdib ko, "A-ack.."
"Clarity!"
Mabilis na nakapunta sa harapan ko si Kier at inalis ang dagyix sa dibdib ko. Nakita kong umangat sa
ere si Crius at tumama sa isang puno. Nanlaki ang mata ko.
"Umalis kayong lahat! Brexu!"
Sa isang iglap ay nawala ang lahat ng wolf at ilang prekh sa hardin. Pinunit ni Kier ang damit niya at
itinapal iyon sa dibdib ko, "Shit Clarity! Bakit ka pa pumunta dito?"
"I want you back..."
Tinignan lamang niya ako at pumikit. May kahel at lilang ilaw na pumalibot sa sugat ko at mabilis iyong
naghilom. Tinulungan akong makaupo ng maayos ni Kier bago siya umupo sa tabi ko.
Lumipas ang tatlumpung-minuto na hindi kami nag-uusap, "I hate the fact that if I don't start the
conversation, there won't be one."
Lumingon ako sa kaniya bago yumuko, "I'm sorry..."
Itinaas niya ang mukha ko at ngumiti sa akin, "I took the blame but we both know that it wasn't just my
fault, Clarity."
Hindi ko maintindihan ang gusto niyang iparating, "It took me so long to realize that I wasn't inlove with
you." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. H-hindi niya ako mahal? Ha? Hindi ko kayang intindihin.
"The feeling you know? Yung feeling na gustong-gusto mo but never needed. Parang sa laruan, gusto
mo talaga pero kailangan mo ba? Ikaw gusto ko pero kailangan ba kita?"
Kusang tumulo ang luha ko dahil sa sinabi niya. Bakit parang ang sakit? Bakit ang sakit-sakit.
He smiled bago pinunasan ang luha ko, "It's just a joke. Wag mong seryosohin. Mahal talaga kita."
Mas lalong napabuhos ang luha ko dahil sa sinabi niya. Pinaghahampas ko naman ang dibdib niya
dahil don, "I hate you!"
"I'm gaving up, Clarity." napahinto ako sa paghampas ng dibdib niya, "Nalaman ko na ang tungkol kay
Kuya Kaleb. I understood. Pero I need to do this. I need to go out of this."
"W-what?"
"I want to start something new. I promise to you Clarity, i'll be back. Babalik ako. Pero sana sa pagbalik
ko wala ka pang iba."
Tumayo siya sa pagkakaupo at malungkot na ngumiti sa akin, "Babalik ako Clarity. Goodbye."
"N-no!"
Pinutol na niya ang pulang tali at nakita kong bumagsak si Crius galing sa puno.
Naipasa na niya...
Pero naglaho siya.