Nang Namulat Ang Kanyang Mata

Kabanata 17



Kabanata 17

Kabanata 17 Ang kotseng ito ay sobrang bilis na lumagpas kay Avery.

Tumingala siya at nakita niya ang blurry na tail lights ng Rolls-Royce sa dilim.

Kotse ba yun ni Elliot?

Pinunasan niya ang mukha niya, kinalma ang sarili, at naglakad papunta sa bahay.

Nakita niya ang kotse na nakaparada pagdating niya.

Naghintay siya sa labas para pagkapasok niya, nasa kwarto si Elliot.

Ang hapdi ng mata niya. Nakatingin diga sa mga stars na sa langit.

Ang gandang spring night ito.

Bago pa niya mapansin ito, isang oras na pala siyang nakatayo.

Dinala na ng driver ang kotse sa garahe.

Nakabukas pa rin ang mga ilaw sa living room , pero walang tao.

Normal na ang pakiramdam ni Avery, kaya naman mabagal siyang pumasok sa bahay.

Sa veranda sa second floor, si Elliot ay nakabihis ng grey na robe, at nakaupo sa wheelchair. Paubos na ang wine niya.

Pinanuod niya si Avery na nakatayo sa labas ng isang buong oras.

Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito. Kung bakit nakatayo ito ng isang oras sa lamig. Dahil hindi ito gumagalaw, nagbeblend na siya sa mga puno sa tabi niya.

Maraming nakilala si Elliot na mga matatalino pero kaunti lang ang worthy na tumayo sa tabi niya.

Pero, si Avery ay isang exception.

Hindi siya ito kinokonsidera na matalino dahil pinrovoke siya niyo kahit na alam nito kung anong klaseng lalaki siya.

Siya ay isang hangal.

Pero, pagkakita niya sa miserableng mood nito, naapektuhan nito ang mood niya.

Ito ay feeling na hindi pa niya nararamdaman dati.

……

Siguro ay dahil ito sa malamig na hangin, pero ang bigat ng ulo ni Avery pagkadating niya sa kwarto.

Nilabas niya ang makapal na blanket sa closet, binalot ang sarili niya, at nakatulog siya ng mahimbing.

Pinagpawisan siya buong gabi, para maalis ang lamig mula sa paglabas.

Pagkagising ni Avery kinabukasan, maliban sa sticky feeling, masaya siya.

Naligo siya, nagpalit ng malinis na damit, at bumaba.

Sinundan niya ang amoy ng pagkain mula sa dining room, at kaagad naman siyang hinainan ni Mrs. Cooper.

“Kumain na ba siya?” Tanong niya.

“Hindi, hindi pa bumababa si Master Elliot.”

Pagkarinig dito, ininom ni Avery ang gatas at kumain ng isang toast. Pagkatapos, inubos niya kaagad ang breakfast niya.

Tapos na siya sa loob ng five minutes. Property belongs to Nôvel(D)r/ama.Org.

“Ganun ka ba katakot, Madam?” Pang-aasar ni Mrs. Cooper.

“Hindi ako natatakot… ayoko lang na makita siya,” sabi ni Avery, pagkatapos, tumingala siya at dinagdag, “Hindi ako komportable kapag nakikita ko siya.”

“Magiging okay ka din pagkatapos niyo pa magsama ng matagal,” sabi ni Mrs. Cooper. “Uuwi ka ba para mananghalian?”

“Hindi. May kailangan ako gawin sa campus ngayon, kaya naman, hindi ako kakain sa bahay.”

“Sige. Sasabihan ko ang driver na ihatid ka,” sabi ni Mrs. Cooper. Umalis siya para sabihan ang driver.

Kaagad siyang pinigilan ni Avery at sinabi, “Okay lang. Magtataxi nalang ako. Sa kanya nalang ang driver.”

“May dalawa tayong drivers. Ang isa ay para kay Master Elliot at isa para sa mga kakaibang gawain. Kukunin ko ang isa para sayo,” sabi ki Mrs. Cooper.

Hindi mananalo si Avery laban sa kanya.

Pagkadating nila sa campus, humarap si Avery sa driver at sinabi, “Thank you. Makakabalik ka na ngayon. Hahanap nalang ako ng paraan para makauwi mamaya.”

Pagkatapos umalis ng driver, isang dilag na lumapit kay Avery. Tinapik nito ang balikat nito at sinabi, “Avery! Sino ang Portia cutie na yun?”

Hindi inexpect ni Avery na makakasalubong niya ang bestfriend niya na si Tammy Lynch sa entrance ng campus.

“Hindi siya cutie. Siya ay ‘Mr. Portia’ para sayo,” sabi ni Avery habang magkasama silang naglalakad. “Tammy, sa tingin ko ay hindi na ako makakasama sayo sa graduate school.”

Napatigil si Tammy at sinabi, “Dahil ba ito sa pamilya mo? Narinig ko ang tungkol sa papa mo. I’m sorry.”

Ngumiti si Avery at sinabi, “Sa totoo lang, ayoko talaga pumasok sa graduate school.”

“Alam kong iniisip mo na pakasalan ang boyfriend mo after ng graduation, tama?” Sabi ni Tammy. “Kailan mo ako ipapakilala sa kanya?”

Nagulat si Avery.

Sa nanay lang niya sinabi ang tungkol kay Cole.

Ang mga kaibigan at classmates niya ay walang idea kung sino ito at ang alam lang nila ay may dinedate siya.

“Naghiwalay na kami,” sabi ni Avery. Huminga siya ng malalim at sinabi, “Alam mo ba ang pakiramdam kapag may taong sumira ng tiwala mo? Akala ko siya ang pinakabest na lalaki sa mundo, pero isa lang siyang scam.”

Ipinulupot ni Tammy ang braso niya sa bewang ni Avery nung nakita niya ang namumulang mga mata niti, at sinabi, “Kalimutan mo na yan, Avery. Bata pa tayo. Isipin mo nalang yung lesson na natutunan mo. Paniguradong mas may makikilala ka na better!”

“Mas okay ng dumepende ako sa sarili ko kaysa sa isang lalaki,” tumawa si Avery.

“Kailangan natin masaktan para mag grow,” napabuntong hininga si Tammy. “Ikaw ay sobrang love- struck dati bago ang summer break, pero tingnan mo na kung gaano ka na kamature ngayon!”

Umiling si Avery at sinabi, “Sana lang ay maalagaan ko ang sarili ko pagkatapos ng graduation.”

“Syempre! Ikaw lang ang tanging double major na kilala ko na top sa class sa parehas na majors. Sky’s the limit para sa isang taong katulad mo!” Sabi ni Tammy.

Namula ang cheeks ni Avery mula sa papuri.

Sa five ng gabi, sila Avery at Tammy ay magkasamang umalis ng campus. Plano nila amgdinner ng magkasama.

Pagkadating nila sa campus gates, kaagad na tinuro ni Tammy si Portia na nakapark sa daan.

“Avery! Hindi ba yun si Mr. Portia na naghatid sayo this morning? Nandito ba siya para sunduin ka?”

Naalala ni Tammy ang kotse.

Sa huli kasi, ang luxury cars at magagandang tao ay pleasing sa mata.

Tumingin si Avery sa nakabukas na window ni Portia. Tumingin siya sa driver, at tiningnan din siya nito.

Nagulat siya. Hindi ba’t sinabihan niya ito na huwag siyang sunduin?

Anong nangyayari?

Lumapit siya sa nakaparada na kotse at binuksan ng driver ang pinto ng backseat para sa kanya.

“Ano yun?” Mahinang sabi ni Avery.

Dahil nandito si Tammy, maingat ang driver.

“Mag-usap tayo sa kotse.”

Sumikip ang dibdib ni Avery.

“Umalis ka na if busy ka, Avery! Labas tayo sa susunod,” sabi ni Tammy.

Tumango si Avery at sinabi, “Treat ko next time.”

Nagwave ng kamay si Tammy at sinabi, “Hindi na kailangan ito. Tawagan mo ako kung may kailangan ka na kahit na ano!”

Umalis kaagad ang kotse pagkaupo ni Avery.

“May ginawa ka ba para magalit ulit si Master Elliot, Madam?” Tanong ng driver.

Tumaas ang kilay ni Avery at sumagot, “Wala. Siya ba ang nag-utos sayo na sunduin ako?”

“Oo,” sabi nito. “Ihanda mo ang sarili mo!”

Bumilis ang tibok ng puso ji Avery habang nag-iisip.

No way!

Nasa campus siya ng buong araw. Kailanman ay hindi niya nakita si Elliot, kaya bakit niya magagalit ito.

Marami siyang pinuntahan these past few days pero wala siyang kahit na anong clue.

Tumigil na siya sa kakaisip nung sumakit ang ulo niya.

Dumating sila sa bahay ng five forty ng gabi.

Pagkatigil ng kotse, bumaba si Avery.

Nagsuot siya ng house slippers at napansin na mag-isang nakaupo si Elliot sa living room.

Nakasuot ito ng green na shirt habang ang sleeves nito ay nakaroll up, kaya kita ang mga braso nito.

Ang mga sapphires sa cufflinks nito ay nagniningning.

Komportable itong nakaupo sa sala, naglalabas ng charm at arrogance ng isang matagal ng nakaluklok na king.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.