Chapter 34
Chapter 34
Anikka.
Dahan dahan kong sinusulyapan ang bawat sulok ng bahay na ito habang muli kong nililibot ito. Hindi
ako makapaniwala na lilinasin na namin ang lugar na ito. Nakalimutan ko na nga ang lahat sa metro at
hindi ko inisip na lilinasin ito. Masyado akong nabihag na lugar na ito, tuloy pakiramdam ko hindi na
kami aalis sa lugar na ito.
Kahit na may mga oras na nag-aaway kami ni Lukas sa lugar na ito. Masasabi ko pa rin na naging
masaya ako sa lugar na ito. Maraming times na naging mabait si Lukas at hindi pinairal ang
kamanyakan niya. Tuloy naalala ko yung mga oras na nagpupuntahan kami sa ihawan ni Manong.
Yung ngiti niya, yung lihim niyang katakawan at kung ano ano pa haha!
I sigh. Basta ang bigat bigat sa loob ko na umalis dito. For the short period of time nainlove ako sa
place na ito at ayaw ko nang layasan ang lugar na ito. Kung pwede lang mag-stay forever dito. Kaso
may buhay pa ako sa metro at higit sa lahat walang forever.
Pero paano kapag nakabalik na kami sa metro. Balik din kaya kami sa dati? Yung halos nag-aaway
kami? Kasi gusto ko na kung ano man yung meron sa amin ngayon, yung closeness namin at yung
mas nagiging kumportable ako sa kanya. Magbabago na naman ba lahat doon?
Sana hindi, dahil yung alam ko rin naman na mabait siya, manyak lang talaga.
"Anikka tara na." Aya sa akin ni Lukas, ako na lang kasi ang tao dito sa loob ng bahay sinusulit ko pa
ang pananatili ko dito.
Ayoko pa talagang umalis...
"Lukas can we stay until sunset." Naglakas loob akong tumutig sa kanya. I will use all of my convincing
powers kung sakali man hindi siya pumayag.
Tumitig lang din siya sa akin at matagal na hindi nagsalita. I was silently praying that Lukas will agree.
Tutupad naman ako eh, kapag sunset na aalis na kami.
"Yes." Nanlaki ang mata ko ng sinsabi niya iyon. He says yes! He agreed. Tuwang-tuwa akong
nagtatatalon doon hanggang sa napayakap ako sa kanya. Tumataba ang puso ko sa ginawa niya. He
made me really happy. Dahil isang malaking bagay ang ginawa na niya sa akin.
"Salamat talaga Lukas." Tuwang tuwa kong sabi at paulit paulit iyon lumalabas sa bibig ko dahil sa
sobrang thankful ako sa kanya.
"Anything for my baby." Bulong niya aa tenga ko at tila nanginig ang buo kong katawan dahil sa kiliting
naramdaman mula sa kanyang hininga.
Pero hindi ko iyon masyadong ininda. Mas nangibabaw pa rin sa akin ang galak na nagtatagal ako sa
lugar na ito kahit kalahating araw lamang.
Agad kong hinal yung kamay niya palabas. Total ay hanggang sunset na lang kami dito ay sulitin ko na.
Nagtataka sila Ken at Angel na nagpunta kami sa dagat.
"What are you doing we are supposed to leave!" Sigaw ni Ken.
"Not yet. My Anikka still want to enyoy this place ay alam kong kayo rin." Doon ay sumilay ang ngiti ng
dalawa at nagsimulang magharutan. Honestly? Lagi nilang gawain iyon.
Ako? Ito parang nagiging abnormal na naman. He called me My Anikka, parang pagmamayari lang
niya.
Tuloy nangingiti-ngiti ako dahil nagwawala ang mga hormones ko. Dahil nagpipigil ako na baka
nangiwingiwi ako sa harapan niya.
Nagulat na lang ako ng maramdaman ko na may bumuhos sa akin na tubig.
"Hinayupak ka Lukas!" Bulyaw ko, bakit niya ako binasa? Ito na nga ang susuotin ko para mamaya
hindi ko na kailangan pang maghalughog sa bag ko mamaya.
"Hahahaha."Tss. Natawa pa ang mokong. Dahil busy siya sa kakatawa at doon ako gumati sa kanya.
Binasa ko rin siya. Akala niya siya lang ah
Nagbasaan kami ng nagbasaan, para kaming nga bata na nagtatampisaw sa dagat. grabe wala akong
laban sa kanya. Mas maraming tubig ang naisasaboy sa akin
Minsan ay hindi ko maiwasan na mapatitig sa kanya. Bumabakat sa puti niyang tshirt yung katawan
niya. Oh my gulay he's oh so so freaking hot. Bakit magpakita na naman ang dashboard chest at
chisled abs niya.
Nakakadistract talaga pero natatauhan rin ako sa tuwing nababasa ako ng tubig.
Hanggang sa napagod kami at naisipan namin na magpahinga. Pero imbis na makapagpahinga na
kinukulit nila kami ni Angel. Halos magbatuhan na kami doon, maghabulan.
Ang saya talaga kahit nakakahingal ay tuloy pa rin.
Hinding hindi ko talaga makakalimutan iyon. They make this place more memorable. Babalik talaga
ako dito.
............................
Nakatayo lang kami at tinatanaw ang paglubog ng araw. The view is very breathtaking napakaganda.
Nadaig pa yata iyong sunset ng Manila bay. Mas nagpapaganda pa sa view ang mga ibong
nagliliparan.
Mas napapangiti talaga ako sa Nakikita.
" Do you like the view?" Tanong niya.
"Yes!" Mabilis kong sabi, dahil hindi ko rin naman maitatanggi iyon.
"Napangiti na naman kita Anikka." Nanalaki ang mga mata ko. Ganito din sa panaginip ko noon.
Basta naistatwa na lang ako sa kinakatayuan ko ng mapagtanto iyon. Hindi ko maigalaw yung buong
katawan ko. Nakakainis! Tapos ay naghuhurementado na naman ang puso ko. Kulang yata ang
salitang tibok eh, kalabog dapat.
Ramdam na ramdam ko rin na may nakatitig din sa akin.
Maya- maya ay humarap siya sa akin. Nakatitig uli siya sa akin, yung mga titig na nakakatunaw. Content is property © NôvelDrama.Org.
Maya maya ay nilapit niya ang mukha niya sa akin. Lukas anong gagawin mo sa akin? Gosh please!
Mas lalong nagiging abnormal ang puso ko. Sa sobrang lakas ng kabog nito ay parang gusto na nitong
lumabas sa katawan ko. Hindi ko rin alam kung saan din ako nakakuha ng lakas na loob para
salubungin ang bawat titig niya.
Magkakatotoo ba ang panaginip ko?
Napahinto kami ng marinig na namin ang chopper. Kusa na rin siyang lumayo sa akin.
Hinawakan ni Lukas yung kamay ko at inalalayan sa chopper. Nagulat ako na may nagsabi sa kanya
kailangan kasing makabalik kami agad sa Manila. Bakit hindi man lang niya sinabi kanina?
Mauunawaan ko naman. Tuloy kawawa pa siya halos wala siyang pahinga nito, dahil babyahe pa siya
papuntang Singapore.Hindi naman niya kasi sinabi na mamayang gabi na yung flight niya. Sana ay
hindi siya pumayag sa gusto ko maiintindihan ko naman.
Pinagmasdan ko muli yung paligid
I'm gonna miss this place. Sana hindi pa ito yung huli na makakapunta ako dito.
Mga isang oras ay nakarating din kami ng metro. May Toyota Hi-ace na sumundo sa amin sa baba. Si
Lukas na iyong pinauna namin para naman kami mismo ang maghahatid sa kanya doon.
Mga ilang minuto ang nakalipas ay nakarating din kami sa NAIA.
All flights to Singapore please come aboard.
Nagpaalam na sa amin si Lukas. Ako nakatunganga ako na tila ba hindi ko alam ang gagawin ko. I
should hug him to gaya ng ginagawa ni Ken at Angel. Hindi pa kasi ako makapaniwala na umalis kami
sa lugar na iyon at ngayon ay aalis siya ng biglaan. Kung kailan medyo ok na kami saka naman siya
aalis. Paano kapag bumalik siya. Ganun ba din ba?
Bumaling siya ng tingin sa akin. Hindi ako mapakali. Ano ba ang gagawin ko? Hindi naman ako
makalapit sa kanya, dahil mistulang nakapaste na ako doon. Lalo na at naisip ko yung kanina, mutik na
kami doon.
Tumango na lamang ako at nginitian siya.
Matabang siyang ngumiti sa akin na tila ba nadismaya. Pasensya na Lukas at hindi ko alam ang
gagawin ko ngayon.
Nagpaalam muli siya sa amin at tumalikod.
Parangslow motion ang nangyari. Ambagal niyang maglakad, tila pa ng sistema ko na aalis na siya.
Tumakbo ako ng mabilis papunta sa kanya. Para bang may sariling utak ang mga paa ko at tumakbo
na papunta sa kanya
Niyakap ko pa siya lalo ng mahigpit. Ayoko pa siyang umalis. Kahit sabihin na isang linggo lang siya
doon ay parang hindi na siya babalik. Nagflashback sa utak ko ang lahat, kung paano niya alisin ang
takot ko sa gilat gamit ang yakap niya, kung paano siya mag-alaga, kung gaano siya kasaya kasama,
pati na rin ang pang-aasar niya. Yung pinagbigyan niya ako kanina. Napakatanga mo naman kasi
Anikka, isang malaking bagay na nga ang ginawa niya sayo at hindi mo magawang mag-paalam ng
maayos sa kanya. Kung kailan kaunti na lang ang oras ay saka ako nagmadali at sinulit ang
pamamaalam sa kanya.
Bakit na kasi ang hilig ng mga tao sa rush.
Tuloy tumulo ang luha ko. Paano kapag lumisan na siya.
"Lukas." Mas lalong humigpit ang yakap ko.
All flights to singapore please come aboard.
Kahit labag sa loob ko ay kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya.Baka iwanan pa siya ng eroplano
dahil sa akin. Siguradong mapapagalitan pa siya ng Lolo niya kapag hindi nasipot ang deal na iyon.
"I'll come back I promise." Tapos ay humalik siya sa noo ko at niyakap ako. Mas tumulo pa lalo ang
luha ko..Mas lalong ayaw ko siyang paalisin. Kung hindi lang dahil sa paimportanteng deal na iyan
hindi ko siya paalisin.
Mabilis din siyang kumalas sa akin. Siguro kaya ng nagslow motion kanina para mahabol ko siya at
makapagpaalam sa kanya ng maayos. Kung hindi ba naman kasi ako nag-inarte pa.
Tuloy sinisi ko yung sarili ko. Dapat hindi na ako nahiya at niyakap siya. Nginitian niya ako saka
hinawakan ako sa magkabilang braso. His dark brown eyes staring directly at me,iyong tipong
nakakatunaw.
"Babalik ako ha, huwag ka ng umiyak." Tapos ginamit niya yung isa niyang palad para punasan ang
mga luha ko.
Dahan siyang tumalikod sa akin at lumayo na sa akin ng tuluyan habang hila-hila niya iyong stroller
niya. Minsan ay lumilingon pa rin siya sa akin at nginingitian ko pa rin siya. Umalis na ako sa
kinatatayuan ko ng hindi ko na siya makita doon.
Dahan dahan akong lumabas ng airport at nakita ko ang naka-abang na si Ken at si Angel. Nang
makarating na ako sa kanila ay lumabas din kami ng Airport at dumeretso na sa loob ng van.
Bago pumasok ay pinasadahan ko ng tingin iyong airport at may namataan na eroplanong lumilipad
doon.
Mamimiss ko rin iyong hinayupak na iyon.