Respectfully Yours

Chapter 50



Chapter 50

Anikka

"Lukas, ano yang ginagawa mo?" Sabi ko sa kanya. Kanina pa siya flip ng flip ng pan habang nagigisa,

may pasayaw sayaw pa, parang si chef boy logro. Pero hindi e, parang mas malapit siya kay the fat kid

inside. Maraming mga damoves na ginagawa. Hindi ko akalain na ganito siya magluto. Hindi ko

maiwasan na mangiti. Pero hindi ko pinapahalata kay Lukas, mamaya kung ano ang isipin ng

hinayupak na yun.

Ang sarap palang maging audience niya. Pwede na siyang maghost ng isang cooking show. Paano

kaya pag topless siyang nagluluto?

Napailing ako ng ulo. Hay nako Anikka kung ano ano ang naiisip mo.

Lumingon si Lukas sa akin.

"Bilib ka no."

"Susme Lukas!"Sigaw ko dahil sa gulat, may bumulusok kasi ni apoy doon sa pan na niluluto ni Lukas.

Napatingin ako sa hinayupak na yun, tawa siya ng tawa.

Dahil glass yung lamesa ni Lukas kitang kita ko yung reflection ko. I was so red, nakakahiya! Tila gusto

kong magtago pero paano naman? Nakita na rin niya.

Pinabayan ko na lang siya magtatatawa dun, kakarmahin din siya

"Oh fuck!" Napatingin ako kay Lukas. Kay bilis talaga ng karma

"Bakit.! Sabi ko habang nilalapitan siya.

"Wala tayong soup." Malungkot niyang sabi, habang nakatitig siya sa ref niya.

"Lukas pwede naman na walang soup." Sabi ko habang sinasara yung pintuan ng ref, kanina pa kasi

nakabukas sayang sa kuryente, though may pambayad siya, dapat pa rin magtipid para kay mother

earth.

"No, dinner natin ito, hindi pwedeng magkulang. Dapat laging special."

Magsasalita pa sana ako ng hilahin ni Lukas ang kamay ko palabas ng kanyang condo. Napatingin ako

sa kanya, nais ko lang naman sabihin sa kanya na nakalimutan niyang patayin yung stove.

"Dont worry Anikka pinatay ko na yun." Aniya ng makarating kami sa montero niya. Nakahinga naman

na ako ng maluwag.

Habang nagmamaneho siya, nakatitig lang ako sa kanya. Ang gwapo gwapo niya talaga kahit saang

angulo. Mas gusto ko itong naka-sideview siya, dahil kitang kita ko yung makurba niyang pilikmata.

Ewan ko ba pero gandang ganda ako sa pilikmata niya. Sana lagi na lang siya nakasideview. Minsan

naiingit ako sa kanya, kasi naman itong pilikmata ko bagsak na bagsak.

"Walang ordinaryong araw sa akin kapag kasama kita. Laging special."

Hindi ko maiwasan na mapangiti dahil sa inaisip. Bukod sa pamilya ko, ipinaranas niya sa akin na Property belongs to Nôvel(D)r/ama.Org.

special ako sa kanya. Lagi lagi niyang pinaparamdam iyon sa akin. Ang dating womanizer ay naging

certified loverboy na. Hay nako kinikilig na naman ako.

Pagpasok namin sa grocery ay agad kumuha si Lukas ng push cart. Teka? Akala ko ba pangsoup lang

yung bibilihin niya. Mukhang sandamukal yata ang bibilhin niya, dahil ngayon pa lang ay dumudukot na

si Lukas ng mga kung ano ano.

Naisipan ko din na tulungan siya para mapabilis.

"Tignan mo sila o, bagay na bagay, parang tayo lang noon. Ani nung babaeng matanda.

"Oo nga, saka yung lalaki ganoon din ako kagwapo noon, naalala kong yung mga panahong

naglalaway ka sa akin." Ani nung lalaking matanda at inakbayan ang asawa.

"Hoy Narciso! Mahiya ka sa balat mo. Ikaw kaya itong habol sa akin noon."

Napatigil sila ng makita nila akong nakatingin sa kanila, nginitian naman nila ako at gumanti rin ako ng

ngiti sa kanila.

"May forever kayo iha." Ani ng matandang babae, sana nga talagang may forever kami, dahil si Lukas

ang nakikita kong mamahalin ko forever.

Napahagikgik naman yung matandang babae ng kayakapin ako ni Lukas mula sa likuran.

Humiwalay si Lukas sa akin ng lumapit yung matandang lalaki sa amin, lumapit siya kay Lukas at may

binulong dito.

Pagkatapos ng pagbulong ng matanda ay ngising ngisi si Lukas habang nakatitig sa akin. Anong

meron? Wala naman akong dumi a?

"Anong sinabi sayo?"

"Secret." Aniya at ngising ngisi pa rin. Alam ko yang pangisi-ngisi niya na iyan, may binabalak na

ewan. hay nako...

"Constancia, halika na, hinihintay na tayo ng mga apo natin."

Nakatingin pa rin ako sa dalawang matanda na papalayo sa amin. Kahit na may edad na sila ay hindi

pa rin nawawala ang pagmamahal sa kanila. Ang sweet sweet pa rin nila. Sana ganito din kami ni

Lukas pagtanda namin, yung sweet pa rin, hindi kumukupas ang pagmamahalan, bagkus ay

nadadagdagan pa ito. Kitang kita ko sa dalawang matanda na may forever, dahil talagang mahal na

mahal nila ang isa't isa. Kaya for sure may forever din kami.

"Baby." Lumingon ako kay Lukas, nakangiti rin siyang nakatingin sa dalawang nakatalikod na matanda.

"Sana ganun din tayo pagtanda Lukas." Muli ay niyakap niya ako mula sa likuran.

"Kahit di mo sabihin Anikka, ganoon din tayo pagtanda, dahil ikaw lang ang babaeng mamahalin ko,

kahit pumunti man ang buhok mo, maging kulubot ang iyong balat. Ikaw lang Anikka ang para sa akin

at ako ay para sayo." Hindi ko maiwasan na mangiti sa sinabi niya, kinikilig na naman ako dito,

nagwawala na naman ang buong sistema ko. Bawat salita na sinabi niya ay tagos sa puso ko, ramdam

na ramdam ko talaga na mahal niya ako. Ang sarap talaga sa pakiramdam, lalo pa at yakap yakap niya

ako. Wala akong pakialam kung may tao man na nakakakita, ang mahalaga sa akin ay ito, ramdam na

ramdam ko siya. Kahit ganito kami buong araw hindi ako magsasawa, basta kasama ko siya.

"Halika na." Ani ko sa kanya, kahit gusto ko yung posisyon namin na ganito,hindi pwedeng maghapon

kaming magyakapan dito, kailangan naming umuwi, may niluluto pa siya doon.

"Ok baby." Sabi niya at tinulak na yung push cart papuntang cashier. Huminto muna si Lukas saglit

para kumuha ng mga cereals, samantala ako ay nakatanaw lang sa cashier.

Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko dahil may dumaan sa harapan na namin.

Hinding hindi ako maaring magkamali, si Eris ang dumaan na iyon.

Biglang magflashback sa isipan ko ang nangyari noong isang araw sa restaurant na nakita ko silang

magkayakap. Tinanong ko ang sarili ko kung dapat ba namin siyang makita o hindi.

Mas nanaig na lang sa akin na huwag na lamang. Mas magandang hindi kami magkasalubong.

Malakas ang kutob ko Kahit kaibigan ko siya, hindi ko maiwasan na mag-isip ng ganoon. Hindi niyo

ako masisi na gawin ko iyon, pakiramdam ko ay may manyayari na hindi maganda, lalo ngayon na

kasama ko pa si Lukas

Wala akong tiwala sa kanya sa ngayon, dahil sa nakita ko noon silang magkayakap ay nakangisi siya

sa akin. Pakiramdam ko ay sinadya niyang gawin iyon,

Sadya kong hinila yung pushcart patungo sa cosmetics section para mas makalayo sa kanya.

Nagdududukot ako ng mga facial wash, cleanser, mga kung ano anong mga pampaganda.

"Baby, gumagamit ka ba ng mga iyan." Nagtataka niyang tanong.

"Oo naman, matagal na." Sabi ko na lang, kahit na ang totoo ay hindi ko ugali na gumamit ng mga

iyon. Gusto ko lang na hindi kami makita ni Eris dito. Medyo tinagalan ko ang pagkuha para

makasugurado na makalayo siya at hindi kami makita.

Ayoko talaga may mangyari, na maaring sumira sa amin ni Lukas at sumira sa pagkakaibigan namin ni

Eris.

"Lukas!" Natigilan ako sa pagkuha ng mga kung ano anong cosmetics at dahan dahan na humarap sa

likuran ko.

Dammit! Wrong move! Plan failed.

Ngiting ngiti si Eris, isama pa ang pagkislap-kislap ng mga mata niya, tulad noong nakita niya si Lukas,

noong dumating siya.

Napakamot ako ng ulo,plano kong magtago, nakita rin kami.

"Ohhh Anikka." Aniya at lumapit sa akin at nakipagbeso-beso, ngumiti rin naman ako sa kanya

pagkatapos.

"Gumagamit ka na pala ng mga ganyan. Well dapat lang na magpaganda ka ng magpaganda. Dahil

alam mo naman itong si Lukas madaling magsawa at saka marami ka ng kakumpitensya." Sabi niya sa

akin habang nakalagay ang kamay niya sa balikat ko.Para siyang nagpapayo sa akin, pero para sa

akin ay pang-iinsulto iyon. Ayokong magbitaw ng salita para sa kanya, kaibigan ko pa rin siya. Tanging

titig lang ang binigay ko sa kanya, pero sana ay makuha siya sa tingin na naiinis ako sa kanya ngayon.

Ngumiti siya sa akin isang plastik na ngiti, saka siya bumaling ng tingin kay Lukas. Ngiting ngiti na

naman siya, yung ngiting abot tenga.

Agad niya akong iniwan doon at pumunta kay Lukas, agad siyang tumitig dito at di na magawang

lumingon sa akin. Para akong isang laruan na binitiwan dahil may nakitang bago, tila wala ng pakialam

sa existence ko.

Nakatitig lang ako sa kanya, baka sakaling makuha siya sa tingin. Pero hindi e, parang wala siyang

pakialam. Ayoko lang magsalita dahil ayoko ng gulo.

Nanlaki ang mga mata ko ng pumulupot si Eris kay Lukas.

Hindi maalis ang ngiti ni Eris habang nakakapit ang ulo kay Lukas at nakasandal sa balikat nito.

Kung kanina ay maganda ang mood ko dahil sobrang natutuwa ako sa mag-asawang matanda,

ngayon ay hindi na dahil sa naiirita ako sa kanya. Masama ba na mairita ako sa sariling kaibigan?

Gusto kong itulak palayo si Eris, pero umiral na naman ang magiging masyado kong mabait at patitig-

titig lang ako.

Saka hindi ko na kailangan na magsalita pa, may tiwala ako kay Lukas, kahit pa mag-ala linta pa si Eris

sa kakakapit kay Lukas ay alam kong ako pa rin ang mahal niya.

"Lukas saan tayo ngayon." malambing---- malanding sabi niya.

Inalis agad ni Lukas ang kamay ni Eris sa braso niya.

"Hindi ka kasama sa amin ni Anikka." Aniya at hinila ako ni Lukas palayo, gusto ko siyang lapitan para

humingi ng paumanhin, wait, dapat nga ba??

Nagpahila na lang ako kay Lukas, lumingon muli ako kay Eris at kitang kita ko ang matatalim niyang

titig sa akin.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.